“Bakit wala kang car na dala?” tanong ng kuya ni Angelo sa kanya pagdating niya sa bahay ng mga ito. Mula din sa bahay nila Ara ay nilakad na lang niya papunta sa bahay ng kuya niya. Medyo malapit lang din naman kaya ayos lang sa kanya. “Naiwan ko sa bahay. I mean, iniwan ko pala sa bahay ko,” sagot niya. “But why?” nagtatakang tanong ng kuya niya. Ni minsan kasi ay hindi naman siya nagko-commute kaya nagtaka ito. “May sinabayan lang ako. Ako nag-drive ng car niya,” aniya saka dumiretso ng kitchen para kumuha ng tubig. Napailing ang kapatid niya. “I know you, Bro… Babae?” Napalingon si Angelo. Kasalukuyan siyang kumukuha ng tubig sa fridge at hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kanya ang kuya niya. Kaya nga siya dumiretso sa kusina para hindi na siya usisain pero wala palang bal