“Hindi ka pa ba uuwi? Baka naaabala ka na namin,” tanong ni Ara kay Angelo. Nasa sala na sila ng mga oras na iyon at sinasamahang manood si Luke ng paborito nitong carton movie. “May gagawin ka pa ba? Baka ako na ang nakakaabala…” sagot naman ni Angelo habang kandong si Luke. Para kasing naging malapit agad ang loob na bata sa doctor. Kanina kasi, pagkatapos nilang kumain ay lumapit agad ito kay Angelo at nakipaglaro. Mahilig ang bata sa bola at may maliit itong ring sa sala kaya doon ang dalawa naglaro. Nang mapagod ay nanood na lang ito ng cartons at nagpakandong pa sa binata. Habang pinagmamasdan nga ni Ara ang dalawa kanina ay parang mag-ama ang mga ito. Never pa kasi nagawa ni Miggy ang makipaglaro kay Luke simula noong natuto itong maglakad. Puro lang ito trabaho. Aalis ng maaga t