“Mommy…” sigaw ni Luke pagkababa nito sa mga bisig ni Angelo. Karga kasi ito ng binata nang pumasok ang mga ito sa kuwarto. Kaagad itong umakyat sa kama pagkababa at yumakap kay Ara habang nakahiga siya. “Hi, baby ko… Saan ka galing, ha?” tanong ni Ara sa anak sabay halik sa pisngi nito. “Yoya and yoyo mommy,” sagot naman nito. Naintindihan naman ni Ara kung sino ang tinutukoy nito kahit pa bulol ang pagkasabi ng anak. Ang ibig sabihin nito ng ‘yoya at yoyo’ ay lola’t lolo. “Behave naman ba ang baby ko?” “Opo…” “Very good,” ani Ara saka ginulo ang buhok ng anak. “Mommy, I eat obeye…” “Wow! Hindi mo naman binigyan si mommy ang daya naman ng baby ko.” “Wait,” ani Luke saka may kung anong kinuha sa bulsa ng suot nitong jacket. “Tupise…” masayang sabi nito saka ipinakita sa kanya ng t