“What happened?” tanong ng pinsan ni Angelo sa kanya. Isa itong pedia at may sariling clinic sa Baguio. “Ang sabi ni mommy, strawberry daw ang huling kinain niya,” sagot naman ni Angelo. Pagkababa kasi niya kanina ay sakto naman na nakasalubong niya ang mommy niya kaya agad niya itong natanong. “Okay. Pahigain mo siya rito,” sabi nito. Kaagad naman itong sinunod ni Angelo. “What’s his name?” tanong nito habang sinusuri si Luke. “Luke,” sagot ni Angelo. “Ngayon lang ba nangyari ito sa kanya?” “Ngayon lang doc. At baka sa kinain na strawberry, ngayon lang kasi siya kumain niyon.” Si Ara na ang sumagot. Ngayon lang kasi talaga nagkagano’n ang anak kaya wala siyang alam na may allergy ito sa pagkain. “Okay. Hi, buddy. Let me check on you, okay?” anito sa bata. “Mommy…” tawag naman n