Limelight AiTenshi April 20, 2017 Part 18 Kinabukasan, alas 11 ng umaga noong ako ay magising dahil sa sunod sunod na pag tunog ng aking cellphone. Noong icheck ko ito ay mayroon 7 missed calls galing kay Dada at 3 missed calls galing naman kay Ark. At mayroon din akong 39 messages na natanggap galing sa mga kaibigan. Sige lang ang scroll down baka sakaling may mensahe dito si Jevan pero wala talaga. Halos isang linggo na pala kaming hindi nag uusap samantalang kapag mag kasama kami ay wala akong mapag lagyan ng sweetness nyang daig pa ang pinaka matamis na kendi sa buong kalawakan. tahimik.. Maya maya ay muling tumunog ang aking cp. From: Arkin Adarna "Lunch? Libre ko." Natawa ako at nag reply "Hahaha, sure. Saan?" "Sa paborito kong kainan sa sentro