Limelight AiTenshi April 19, 2017 Edi ayun nga ang set up, agad akong isinugod sa pinaka malapit na ospital para gamutin. Katulad ng dati ay dagsa nanaman ang press at mga kaibigang reporter ni Dada upang ibalita sa tv ang aking pag kaka aksidente doon sa tubig. Samantalang ako naman ay patuloy pa rin sa pamamalipit ang buong katawan dahil sa matinding kirot at hapdi dulot ng kumalat na lason sa aking balat. Basta ang huli ko nalang natandaan ay tinurukan ako ng pampatulog.. Lahat ay nag dilim na kabilang na ang aking paningin. Part 17 "Anak bakit di ka nag iingat? Ang akala namin ay kung napano kana." ang bungad ni mama noong sandaling imulat ko ang aking mata. "Ma, bakit nandito kayo?" ang tanong ko agad. "Natural nasa ospital ka e, ano lang naman yung ma