Limelight AiTenshi April 17, 2017 Part 16 Araw ng Lunes, agad kaming tumulak patungo sa Baler kung saan kukunan ang ilang eksena sa aming pelikula, kasama ko dito sina Dada at Bernardo na tatayong direktor ko. Si Jevan naman ay nag tungo na sa Ilo-ilo upang doon mag shoot kasama sina Direk Limas at kanyang manager na si Pam. Halos nasa 50% na ang natatapos sa pelikula at sa mga susunod na buwan na tiyak na ilalabas na ito. "Tulad ng nasa script, mahirap lang pamilya ng karakter mo Kiko kaya't nag pagawa nalang ako ng maliit na dampa sa tabing dagat. Doon natin kukunan ang mga eksena kasama ng iyong pamilya. Hindi na rin ako masyadong kumuha ng crowd control dahil hindi ka naman ganoon ka sikat noh." ang maarte wika ni Bernardo habang tinatahak namin ang daan patungo doon sa