Part 9

2443 Words
Limelight AiTenshi April 7, 2017   Part 9   "Yung hindi pa tayo nag sstart mag shoot ay trending world wide na yung pag balibag ng itlog sa mukha ni Kiko. Ang bongga talaga! Kaya sa primier nights natin ay mag tatalaga ako ng mag babalibag ng itlog sa pez ni Kiko para mag trending ulit tayo!" ang maarteng wika ni Bernardo ang assistant ni Direk Limas.   "Ang hard mo naman kay Kiko. Kawawa naman yung tao. Supporters daw ni Chalita yung bato kay Kiko dahil hindi sila payag na ipartner si Jevan na ka love team nito sa isang lalaki." sagot naman ni Pam   "Eh anong magagawa nila no, kailangan namang tayo ang mag adjust. Saka haller suyang suya na yung mga tao sa love team nilang dalawa. Paulit ulit ang eksena sa mga serye at pelikula nila. Mayaman si Chalita, edukada at alta sa siyudad samantalang si Jevan naman ay kargador, tsuper o kaya ay mahirap na amoy araw. Click na click iyon sa mga fans ng bruha." ang tugon ni Dada.   Hinayaan ko nalang silang mag kwentuhan habang nag iinom. Pag katapos ng prescon ay dumiretso kami dito sa tinutuluyang unit ni Dada. Kasama sina Bernardong pintasero na parati akong nilalait at si Pam. Nag txt na rin si Direk Limas na papunta na rin.   "Kung itlog lang pala, kahit araw araw ay balibagin ko ng itlog sa mukha iyang si Kiko para mag trending tayo!" ang wika ni Bernardo sabay lagok ng alak.   Cheers!!   "Ang hard mo mare. Pero effective ang plan natin nila direk noh. Talagang huling huli ng chemistry nina Kiko at Jevan ang mga baklitang audience. Im sure pati mga butas ng pwet nila ay kinikilig!" pag mamalaki ni Dada   "Sabi ko naman sa inyo, iba iyang si Direk Limas mag isip ng strategy. At tuloy tuloy lang ang publicity natin. Kung kailangan mag halikan o mag s*x sina Kiko at Jevan sa public ay gawin na!" ang wika naman ni Pam na halatang may tama na.   "Mag s*x talaga mare? Kadiri ka naman. Kung nandito si Jevan ay baka inupakan kana non!" tugon ni Dada   Tawanan sila..   Mukhang sila lang ang masaya samantalang ako ay iniisip pa rin yung nangyari kanina sa studio. Napaka walang puso ng nambato sa akin ng itlog. Sana ay si Jevan nalang ang tinamaan at hindi ako.   Speaking of Jevan, sa harap lang naman ito ng camera at ng publiko sweet kuno sa akin. Dahil kapag nasa back stage na kami ay wala na siyang paki alam. Tulad kanina noong kumakanta siya ay lumuhod pa ito sa harap ko at kunwari ay hahalikan ako sa labi. Yung sobrang sweet nya na talagang nakaka bakla na yung mga titig niya sa akin. Pero nung natapos na ang lahat ay balik ulit sa normal. Yung tipong "okay tapos na yung part ko."   Pag labas namin sa dressing room ay nag set na ang inuman sina Dada para sa magandang performance namin pero hindi na ito sumama. "Mauna na ko. May lakad pa ako." ang wika niya at hindi na ako pinansin pa, ni hindi rin nag paalam basta umalis lang siya at tila wala nang paki sa mundo.   Dito ko nalang din nabalitaan na trending topic na pala ang pag bato ng itlog sa aking mukha at halos natabunan na nito ang ibang topic kabilang na ang "Jeko" at Pag gamit ni Albert ng Drugs   Habang nasa ganoong kasiyahan ang lahat ay siya namang pag dating ni Direk Limas. May dala pa itong ilang bote ng alak. Pag pasok niya ay ako agad ang kanyang hinanap. "Nasaan si Kiko? Kamusta ang lagay niya?"   "Hayun nasa balkunahe, nag iinarte" ang sagot ni Dada.   "Ganoon ba? Kawawa naman pala." wika niya at doon ay pinuntahan niya ako at inabutan ng inumin. "Welcome sa totoong mukha ng showbiz. Marami pang pag subok ang sasalubong sa iyong pag angat kaya't dapat ay maging matatag ka. Isipin mo nalang na ang mga nangyari ay senyales na ng pag unlad mo bilang isang artista. Sa bandang huli ay tiyak kong magiging matatag ka." ang wika niya sabay tapik sa aking balikat. "Tama ang sinabi mo, hindi lang isang itlog na basag ang maaaring sumira sa iyo. Very nice!"   "Salamat po Direk. Pasensya na sa nang yari kanina."   "No, wala kang kasalanan doon. Ipinakita mo ang husay mo kaya't iyon ang pinaka mahalaga. Sa tingin ko ay mas may chemistry pa kayo ni Jevan kaysa kay Chalita na kaloveteam nya."   "Salamat po sa tiwala. Hayaan mo Direk gagalingan ko sa taping natin."   "Tama, ipakita mo sa akin kung sino si Kiko Peralta. At patunayan mo sa kanila na hindi kami nag kamali saiyo. Nandito lang ako para sumuporta." ang wika niya sabay tapik sa aking balikat.   Medyo lumuwag ang aking dibdib noong kausapin ako ni Direk. Nakaka inspire ang kanyang mga salita, hindi katulad doon sa tatlong halimaw na nag iinuman laging pilosopong sagot ang hinihirit nila sa akin kaya't hindi kami mag kaunawaan. Bukod sa ibinigay na suporta sa akin nina Direk Limas ay tumawag rin ang aking mga kabarkada sa Cabanatuan, lahat sila ay galit na galit dahil sa nangyari sa akin sa prescon. Syempre sila mama at papa naman ay nag alala rin sa akin ng husto ngunit sinabing kong maayos naman ang lahat at nasa mabuti akong lagay kaya't kahit papaano ay kumalma sila.   Sa pag lipas ng mga araw ay unti unting nabura ang usapin tungkol sa  pag balibag sa akin ng itlog. Samut sari kasing issue ang lumabas sa ibang artista kaya't natabunan ang sa akin. Ganoon naman talaga, ngayon ay pinag uusapan ka tapos pag dating naman ng kinabukasan ang lahat ay nanonood na ulit kay Mr. Bean at Spongebob. Ang issue ay lumilipas at nagiging kasaysayan na lamang kapag tumatagal.   Huli kong nakasama si Jevan ay noong pang prescon. Ang balita ko ay nasa Amerika sila ni Chalita para sa kanilang mga guestings doon. Hindi na  rin niya ako kinamusta o kinausap man lang sa social media bagamat kapwa kami naka online. Minsan ay nag lakas loob akong mangamusta ngunit "seen" lang ang nangyari kaya't hindi ko na ito inulit pa. Nag focus nalang ako sa pag kakabisa ng script at sa pag lalapat ng tamang emosyon dito.   At makalipas ang isang buwan ay dumating na nga ang araw na aking pinaka hihintay. Ang shooting ng pelikulang Brokeback Mountain na gaganapin pa sa Benguet, Mt. Timbak. Pinaka magandang spot ito dahil maraming bundok at malapit sa kalikasan. Madaling araw palang ay tumulak na ang buong team doon upang mag set up at mag hanap ng aming matutuluyan sa loob ng isang linggo. Napag pasyahan kasi nila Direk na doon na lamang manatili habang hindi pa tapos kuhanan ang mga scene dahil may kalayuan ito sa siyudad.   Inabot ng halos isang araw ang pag seset up ng mga tent at kung ano ano pa. May isang paupahang bahay malapit sa location, dito kami mananatili sa loob ng isang linggo. Sa isang silid na malaki ay mag kakasama ang mga staff, sa isang silid naman ay ang mga manager namin at kami naman ni Jevan ang mag kasama sa kwarto. May kaartehang taglay daw kasi ito kaya't ayaw ng maraming kasama sa kwarto ayon sa manager niyang si Pam.   "Long time no see." ang biro ko kay Jevan noong pumasok ito sa aming silid.   "Oo nga e, busy kasi sa US tour. Buti nalang tapos na. Kamusta ka Kiko?" tanong niya.   "Ayos naman. Eto balik sitcom at pa sabit sabit sa mga show." naka ngiti kong sagot. "Teka asan yung pasalubong ko?" biro ko naman.   Natawa ito at may kinuha sa kanyang bag. "Eto o keychain. Para sa iyo." ang wika niya sabay abot sa aking kamay. Isang maliit na keychain na ang desenyo ay yung shield ni Captain America.   "Wow, salamat." ang masaya kong tugon agad kong kinuha ito at ikinabit sa aking bag.   "Yan lang yung nabili ko e, hindi kasi ako nag karoon ng time mag ikot."   "Naappreciate ko naman tol. Salamat ulit." tugon ko.   "Buti ka pa simpleng bagay lang naappreciate mo. Yung ibinigay kong relo kay Chalita sa US ay itinago lang niya at hindi isinuot. Worth 130k iyon, pinag ipunan ko talaga bilang birthday gift. Kaso parang hindi niya nagustuhan kaya ayun ibinigay niya sa make up artist niya. Tapos tinanong siya ng press kung anong regalo ko ang ipinakita niya ay isang kwintas na may dyamante. Iyon daw ang regalo ko sa kanya. Kalokohan! Hirap talagang ispelengin ng mga babae." ang may halong inis na tugon nito sabay higa sa kama.   Natawa ako at napatingin sa keychain na ibinigay niya "Iingatan ko ito tol. Salamat ng marami."   "Buti ka pa simpleng bagay lang masaya kana. Ewan ko ba naman sa mga babaeng iyan, hindi marunong makuntento." patuloy na reklamo ni Jevan sabay higa sa kama.   "Hehe, sinabi mo pa." ang sagot ko naman.   Maya maya ay tumahimik sa buong silid, wala ibang maririnig kundi ang ingay ng aircon. Nag patuloy ako sa  pag aayos ng aking gamit, paminsan minsan ay sumusulyap ako sa script at binabasa ko ito. Gusto kong maimpress si Direk at ganoon din si Jevan lalo't ito ang unang beses na makaka trabaho ko sila.   "Nga pala tol, pinapasabi ni Direk na mag report ka sa kanya mamaya." ang wika ko sabay sulyap sa kanyang kinalalagyan ngunit nakita kong tulog na ito. Agad agad, kung sabagay pagod sya sa byahe dahil galing pa siya sa US at dumiretso pa sa Iloilo para sa ilang trabaho. Mukhang halatang pagod na pagod nga dahil kahit naka sapatos ay nahimbing ito at nag hihilik pa kaya naman naisip kong huwag nalang siya istorbohin. Tumayo ako at nilagyan pa ito ng kumot sa katawan upang hindi lamigin suot ang kanyang manipis na damit. Marahan kong binuksan ang pinto at lumabas muna.   "Nasaan si Jevan?" ang tanong ni Pam noong makasalubong ako sa sala.   "Nandoon sa kwarto natutulog. Huwag daw siyang istorbohin dahil sasapakin niya yung gigising sa kanya." sagot ko.   "Talaga ba? Pati ako?" ang tanong niya.   "Naku lalong lalo kana, kaya mas makabubuti na hayaan nalang natin siyang mag pahinga." ang tugon sabay tapik sa kanyang balikat   Lumabas ako at nag lakad lakad muna sa tabi ng bahay kung saan makikita ang location ng aming shooting. Kulay berde ang paligid, sariwa ang hangin at nakakarelax sa pakiramdam.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nag sisimula na ang malaking break sa buhay ko. Matagal ko itong hinintay at ngayon abot kamay ko na hindi ko na papakawalan pa.   Tahimik..   Patuloy ang pag dampi ng malamig na hangin sa aking mukha.   Ilang minuto rin ako nakatingin sa kawalan, tila ba nalibang ako sa pag tanaw ng kalangitan kung saan palubog na rin ang araw. Tama nga ang sabi ni Direk, pinaka maganda ang senaryo ng pag lubog ng araw sa lugar na ito kaya naman batid kong kasama ito sa pelikula.   (wattpad.com/Ai_Tenshi for more bxb stories)   Habang nasa ganoong posisyon ako ay may nag salita sa aking likuran. "Pwede bang maki tabi ang leading man mo?"   Agad akong tumingin sa kanya at ngumiti. "Oo naman. Ikaw pa ba. Kamusta ang tulog mo?" tanong ko.   "Okay naman. Pasensya na sobrang pagod kasi ako kaya't nakatulog ako bigla. Bakit nandito ka? Nag kakasiyahan sila doon sa sala ah." tugon niya.   "Ayoko nga doon, tiyak na ibubully nanaman ako ni Bernardo Bernado, hindi nga siya maka move on sa eksenang pag balibag ng itlog sa aking mukha." sagot ko.   Natawa siya at tumingin sa aking kinalalagyan. "Kahit na binully ka niya noong audition ay paborito ka niya. Saka natatawa daw siya sa iyo dahil kamukha mo ang ex boyfriend nya. May tama pa yata sa iyo ang loko. Alam mo ba ang nangyari matapos ang audition?" tanong niya.   "Ha? Anong nangyari?" ang tanong ko naman.   "Noong matapos ang audition ay dumating ang mga producer at doon ay namili sila ng maaaring gaganap sa isa pang major role na makaka pareha ko. Edi ayun nga, nag start ang botohan. At maniwala ka o sa hindi ay isang boto lang ang lamang ni Albert sa iyo. Binoto ka ng ilang producer, nakuha mo rin ang boto ni Direk Limas, syempre ang boto ko ay nasa iyo rin at pati Bernard na assistant ni Direk ay ipinag laban ka ngunit wala kaming kamalay malay na ang manager ni Albert ay may kakilala palang producer at ibinoto niya si Rogondola. Sa huli, si Albert ang nakuha. Eh drug addict pala mokong ayun, nasa rehab siya ngayon." ang kwento ni Jevan habang natatawa.   "Wow, hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari. Salamat sa pag boto sa akin bro.  Akala ko ay wala kang paki alam noon eh. Teka bakit mo pala ito sinasabi?" nag tataka kong tanong   Ngumiti ito at pinako ang tingin sa kalayuan. "Ayoko lang isipin mo na second choice ka para sa pelikulang ito. Kaya gawin natin ang best natin para mapaganda ito. Galingan natin bukas tol." ang wika niya sabay dikit ng kamao sa aking kamao.   "Oo naman, kinakabahan na nga ako sa iyo. Baka kainin mo ako ng buhay." ang biro ko.   "Hindi naman, basta pag husayan natin. Masaya rin ako dahil kahit papaano ay nag karoon ako ng sariling pelikula na hindi naka asa kay Chalita. Halos lahat kasi ang pelikula ko ay siya ang kapareha, paki ramdam ko ay hindi na ako nag ggrow bilang isang aktor. Kasi ay paulit ulit nalang ang role ko. Sa love story namin, parating akong  mahirap, anak ng squatter na maiinlove sa isang Diyosang katulad niya. Iyon ang gustong gusto ng mga fans kaya't iyon ang ibinibigay nila. Ngayon lang ako gaganap sa isang heavy role na ako mismo ang lead at hindi naka dikit sa anino niya. Nais kong patunayan sa lahat na kaya kong mag karoon ng sariling project na hindi umaasa sa loveteam namin." ang paliwanag niya habang patuloy na naka tanaw sa kalayuan.   "At ngayon ang kalove team mo naman ay lalaki rin. Kakabakla hano?" biro ko naman dahilan para matawa ito. "Oo nga e, hindi naman mahalaga kung anong klaseng character ang gagampanan ko. Ang mahalaga ay magawa ko ito ng maayos at makombinsi ang manonood sa emosyon na aking ibibigay. Teka, ayaw mo ba akong ka love team?" naka ngiti nyang tanong.   "Wala naman akong sinabi ganoon. Iyon nga lang baka next time ay hita na nga manok o isang buong lechon manok ang ihagis sa akin ng fans ni Chalita sa paniniwalang inagaw kita." ang biro ko.   "Ayos lang, iulam nalang natin yung manok na ihahagis sa iyo." sagot niya.   Tawanan..   Umabot ng ilang oras ang kwentuhan namin ni Jevan, ito na  yata ang pinaka matagal na pag uusap namin. Yung tipong hinuhuli namin ang kiliti ng bawat isa upang bukas ay hindi kami mag kailangan sa taping. Sarado pa rin ang buhay niya, hindi ko pa rin siya lubos na kilala ngunit gayon pa man ay batid kong magiging maayos ang aming project dahil kapwa kami may taglay na talentong hindi basta basta mapapantayan ng sinuman.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD