Limelight AiTenshi April 24, 2017 Part 20 "Hinimatay lang iyan tol. Okay naman na ang pag hinga niya at stable na ito." ang wika ni Jevan habang pinupulsuhan si Dada. "Eh kung tumawag na kaya tayo ng doktor? Baka kung mapano si Dada dito." tugon ko naman. "Hindi na ah, okay na iyan. Matapang naman ang apog niyang si Dada at halimaw iyan kaya walang masamang mangyayari dyan." ang wika nito habang naka ngisi. Maya maya ay biglang dumilat si Dada at muli itong umiyak kaya naman tinakpan ko na ang kanyang bibig. "Huwag kang maingay baka marinig tayo sa labas." bulong ko kaya naman inalis nya ang aking kamay at muli nanaman itong nag salita. "Hindi ako halimaw no, itong ganda ko ay parang abstract painting kaunti lang ang kakaintindi at hindi kayo iyon. Ang lalandi niyo, k