Limelight AiTenshi April 25, 2017 Part 21 Sa pag daan ng mga araw ay mas lalo pang naging maganda ang relasyon namin ni Jevan, bagamat parehong busy sa kanya kanyang trabaho ay nakaka hanap naman kami ng oras para mag kita at iparamdam sa isa't isa ang aming pag mamahalan. Kadalasan ay naka kulong lang kami sa aking unit at doon ay nag lalambingan, akapan dito at halikan doon. Iyon lang kasi lugar na masosolo namin ang mundo. Syempre hindi rin mawawala ang aming pag tatalik na nag bibigay ng mas matibay na pundasyon sa aming samahan. Makalipas naman ang halos dalawang buwang pag hahanda ay inilabas naman ang 50secs trailer ng aming pelikula. Isang oras palang itong ini upload sa social networking sites ay pumalo na agad ng 786 thousand views ang naturang patikim na trailer. A