PART 5 :: VISITING THE WAKE

1397 Words
A few days later, Sanchi Senior High had returned to its usual routine, with everyone seemingly quick to put behind the memory of what had happened to Jane Ablay. Lalo't lumabas na ang salarin. Kusang sumuko rin ang driver na nakabangga sa dalaga. Natakot lang daw ito noon kaya tumakas. Isa lang ang hindi pa rin maka-move on sa nangyari. Si Hazen Mellet D. Nipay. Natutulala pa rin si Hazen kapag naaalala niya ang nangyari. Hindi talaga naaalis sa isip niya na sila ang may kasalanan sa nangyari kay Jane. At kung sana tinulungan nila agad si Jane ay baka naisalba pa nila ang buhay ni Jane. "Hazen, you're not eating your food? Are you okay?" Pansin ni Mieko kay Hazen ngunit tila ay hindi ito narinig ni Hazen. Tuluyan na nawala na naman kasi si Hazen sa kanyang sarili. Pinapaikot lang niya ang spaghetti gamit ang tinidor imbis na kainin. May bumabagabag din kasi sa isipan niya, and she's contemplating about it whether she will attend or not. "For sure si Jane na naman ang iniisip niyan," natigil sa pagkaing wika ni Je Em. Uminom ito ng tubig. Naroon sila sa canteen na magkakaibigan para magmeryenda. Katatapos lang ulit nilang mag-practice. Isang paanyaya ulit kasi ang natanggap nila para sa isang school activity at sila ang gustong magsayaw para sa intermission. "Stop that nonsense, Hazen. Ikaw rin ang mahihirapan kung ganyan ka," hindi tumitingin na madiing saad ni Harvey kay Hazen. Patuloy lang ito sa pagkain ng pansit. Walang nahintay na tugon ang tatlo mula kay Hazen. "Huwag niyo na lang siyang pansinin," agarang sabi na ni Prince. Lihim nitong kinurot bahagya sa hita si Hazen. Gawa niyon ay parang naalimpungatan na nga si Hazen sa mababaw na pagkakaidlip. "Huh? Ano 'yon?" Palipat-lipat ang tingin na tanong ni Hazen sa mga kaibigan nang mapansin niyang nakatingin ang mga ito sa kanya, maliban kay Harvey. Napakamot sa noo si Prince. Nailing naman ang iba. "Nababaliw ka na ba, Hazen? Sabihin mo lang para madala ka na namin sa mental?" busangot ang mukhang ani Mieko. Napahiyang napatungo si Hazen ng ulo. "Sinasabi ko sa 'yo, Hazen, ah. Keep your mouth shut," babala naman ni Harvey sa kanya. Tumingin na ito. Diretsong tingin ito sa kanya. Tingin na nagbababala rin. "Oo nga, Hazen. Huwag ka nang ano kasi. Kalimutan mo na 'yon. Baka kasi kakaisip mo pa, eh, makapagsabi ka ng kung anu-ano," Je Em seconded. "H-hindi naman," kinabahang kaila niya. Nagkatinginan sila ni Prince. Tahimik man ito ay halatang kampi ulit ang binata sa iba. "Guys, ano ba kayo. Huwag nga kayong paranoid. Kumain na lang tayo," saway ni Mieko kina Harvey at Je Em. "Si Hazen kasi, eh. Baka mamaya siya pa magpapahamak sa 'tin," giit ni Je Em. "Imbis na lusot na, eh, mabulilyaso pa." Suno-sunod ang naging iling ni Hazen. "Guys, wala kayong dapat ipag-alala sa 'kin. Oo, aaminin ko nakukonsensya pa rin ako pero believe me wala akong balak magsumbong. Ayoko rin namang makulong," at paglalabas na niya ng saloobin. "Nabalitaan ko lang kasi na last night na ang burol ni Jane mamayang gabi. Iniisip ko lang kung pupunta ako o hindi para dumalaw sa huling gabi niya." "Hell no!" pagtanggi agad-agad ni Je Em. "Stop messing around, Hazen!" "Hazen, are you out of your mind?! Bakit pa?" nabahalang mga katanungan naman ni Mieko. "Wala naman sigurong masama dahil naging kaibigan ko rin siya. Kaya naisip ko na dapat ko lang siya puntahan kahit sa huling gabi niya," katwiran niya. Nakita niyang nagkatinginan sa isa't isa ang mga kaibigan. She felt nervous. "No, Hazen. You will not go. It's not a good idea," hindi pa ring pagsang-ayong ani Je Em. "Baka 'pag makita mo pa siya ay kung ano pa ang maisip mo na naman!" "Oo nga, Hazen. Baka mas mabaliw ka pa," gatong ni Mieko. Hazen bit her lower lip. Sabi na nga ba niya at tututol sila. Sana hindi na lang niya sinabi. Ngunit anong awang ng labi niya when Harvey spoke up. "Pumunta ka. Pupunta tayo." Pati man sina Mieko, Prince, at Je Em ay napatangang tiningnan si Harvey. Makikita ang katanungan sa mga mukha nila kung seryoso ba si Harvey. "I'm serious. Pupunta tayo para makita nila na malinis talaga ang konsensya natin sa pagkamatay niya," paliwanag naman ni Harvey. KINAGABIHAN nga ay sakay ng taxing inarkila nila ay sunod-sunod na bumaba roon ang magbabarkada nang nasa tapat na sila ng bahay nina Jane. Kita nila agad ang maraming nakikiramay. Siguro ay dahil last night na ng burol. "Guys, ako lang ba ang tinatayuan ng balahibo?" ani Je Em habang pinupunas-punas nito ang mga braso. "The heck! Natatakot ako, ah," ani naman ni Mieko. Kumapit ito sa braso ni Harvey. "Akala ko ba wala tayong kasalanan bakit kayo natatakot?" pangungonsensya ni Hazen sa dalawa. Inirapan siya ni Mieko saka itinulak bahagya sa braso. "Syempre lamay 'to, gageh. Kahit saan naman kapag dadalaw ako sa patay natatakot ako." "Ow?" Hazen pouted with a small grin. "Baka nagi-guilty ka lang din sa ginawa natin kay Jane?" "Hazen, shut the hell up. Baka may makarinig sa 'yo," saway ni Harvey sa kanya. Tumigil naman siya. Tinginan sila ng masama ni Mieko. Pero hindi nagtagal ay napahagikgik siya. Tinawanan niya si Mieko dahil tinatakot lang naman niya ang kaibigan. Pero sana talaga mga makonsensya sila. "Ikaw talaga," tulak ulit ni Mieko sa kanya. Pinilit niyang matawa. Hindi nila napapansin si Prince na palinga-linga sa paligid. Pakiramdam kasi ng binata ay may pares ng mata na nakamasid sa kanila. Kinukutuban ito nang hindi maganda. "Sorry," tatawa-tawang hingi ni Hazen ng pasensya kay Mieko. "Tse!" Sumimangot naman ni Mieko pero hindi rin nagtagal ay nagtatawa ito at chineer-up siya. "Dapat ganyan. Dapat ganyan ka, Hazen," tapos ay tuwang-tuwa na itong yumakap sa kanya. "Nagbalik na si Hazen natin, guys," at tuwang sabi pa ni Mieko kina Harvey, Prince, at Je Em. "Sa tingin ko nga. Marunong na ngang tumawa ulit 'di tulad ng mga nagdaang araw na nakatulala lang," natuwang saad din ni Je Em. "Heh! Masaya lang ako kasi sinamahan niyo ako ngayon dito," nag-blush na wika niya. At totoo 'yon. Naisip niya rin kasi na kahit paano ay may halaga rin ang mga kaibigan kay Jane. Ayaw lang nilang aminin gawa malamang ng takot nila dahil sa nangyari. Mababait naman sina Harvey, Je Em, Mieko at Prince, eh. Natatakot lang talaga sila na masangkot sa gulo kaya ganito sila ngayon. At naiintindihan na niya sila. ‘Tsaka kanina isiniksik na niya sa isipan niya na aksidente lang talaga 'yung nangyari kay Jane. Aksidente lang! Isa pa, kahit naman ano ang gawin niya ngayon ay hindi na maibabalik pa ang buhay ni Jane. Kahit pa sabihin niya sa mga pulis na hindi sana tatakbo si Jane noong gabing iyon kung hindi nila sinaktan ang damdamin nito ay wala na ring magagawa. Patay na si Jane. Tanggapin na lang din niya. "Let's go." Nagpauna na si Harvey sa pagpasok. Nagpaka-leader ulit. "Wait!" Habol ni Mieko sa binata. Kumapit ito na parang tuko sa braso ni Harvey. "Landi mo talaga," sita ni Je Em sa dalaga. "Heh! Selos ka lang," pang-aasar naman ni Mieko. "Kapal mo. Feeling mo talaga gusto kita? Yuck!" "'Di ba sabi mo noong naglaro tayo ng kiss, marry, and kill?" "Wow! Naniwala ka naman?” "Guys, ang ingay niyo. May lamay, oh," saway na ni Harvey sa dalawa. Natawa si Hazen sa bangayan na naman ng dalawang aso't pusa. "Okay ka lang?" pero mas pansin na niya kay Prince na kasabay nito sa hulian. Napansin na niya ang pananahimik ng binata. Luminga-linga muna sa paligid si Prince bago siya sinagot. "Para kasing may sumusunod sa atin." Natigil na sila sa paglakad na dalawa. "Huh?" Napalinga-linga na rin siya sa paligid. "Sure ka?" "Not really. Feeling ko lang." Napamata siya sa binata. Ang seryoso nga ng mukha ni Prince. Namumutla pa. Pero saglit lang ay kinampay ng binata ang kamay. "Forget it. Naprapraning lang ako siguro. Nahawa na yata ako sa 'yo." Naningkit ang mga mata niya at humaba ang nguso niya. Sumama na ang tingin niya sa binata. "Joke lang. Tara." Natawang nag-peace sign si Prince sa kanya tapos ay inakbayan siya bago kinayag pasunod sa tatlo nilang kaibigan. Hindi na nila nakita ang bulto ng isang taong lumabas sa madilim na parte ng paligid na ang sama-sama ng tingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD