PART 4 :: UNTRUTH STATEMENT

1502 Words
"Inom ka muna." Pag-aalok ni Prince ng baso na may tubig nang kumalma na ang dalaga. Hazen took it and sipped a small amount. Parang binasa lang niya ang lalamunan niya. Sisinghot-singhot na lang siya ngayon. She's still attempting to soothe herself regarding what happened to Jane. At nahihirapan siya dahil alam niyang mali talaga ang ginawa nila. "You okay now?" naniniguradong tanong ni Prince nang inilapag niya ang baso sa center table. She just nodded as an answer. They are now at Prince's family house. Dito siya dinala ng binata para wala raw makakapansin sa kanila. Wala raw kasi ang mama at papa nito ngayon dahil may mga pinuntahan. At dito ay makakapag-usap daw sila nang maayos tungkol sa nangyari kay Jane. "Don't worry about it. I'm confident that someone has noticed Jane, and she has likely been taken to the hospital by now. At malamang ligtas na siya ngayon kaya—" "But what if wala?" she cutted him off. Prince fell silent. Napatitig ito sa kanya na kanya namang sinalubong. At si Prince ang unang nag-iwas. Napahimas ito ng sariling batok. "What we did was wrong, Prince," galit ang tinig na sabi niya. "Dapat ay tinulungan natin si Jane hindi 'yung ganoon na parang hayop siya na iniwan natin doon." "Inisip lang natin ang sarili natin. Paano kung madamay tayo ro'n, eh, wala naman tayong kasalanan. Kasalanan ng driver ng kotse. At kasalanan din ni Jane dahil bigla siyang tumawid." "Naririnig mo ba ang sarili mo, Prince?! Are you sure na wala tayong kasalanan?!" tumaas ang tono ni Hazen. "Oo, Hazen, dahil hindi natin sinabi na mag-inarte siya ng gano'n," mabilis naman na sagot ni Prince. Napatiim-bagang din ito. "I can't believe you, Prince. Nasasabi mo talaga 'yan? Gayong tayo ang nagtaboy sa kanya?” Hindi makapaniwalang napailing-iling si Hazen. First time na na-disappoint sa binata. “Prince, nasaktan natin siya kaya gano'n ang naging kilos ni Jane. Kahit sino’y gano'n ang magiging reaksyon sa ginawa natin." "Stop it, Hazen! Kahit ano pang sabihin mo ay nangyari na ‘yon! Wala na tayong magagawa!" Napatayo si Prince at napasinghap ito sa hangin. Saka napahilamos sa mukha nito't napamaywang. Nagbalik ang tensyon nito, ang takot sa nangyari. Tumayo rin siya. Tiningnan niya nang masama ang binata. "Prince, bumalik tayo ro'n. Tulungan natin si Jane.” Nanlilisik ang mga mata ng binata na tumingin sa kanya. Galit na. Ayaw namang magpatalo ni Hazen. Sinalubong niya ulit ang tingin nito. Siya ang tama rito. Sigurado siya. "Kung ayaw mong sumama ay ako na lang," dikawasa'y matatag na sabi niya sabay hakbang paalis nang wala siyang makitang kilos mula sa binata. Disidido talaga siyang tulungan si Jane. Mangiyak-ngiyak ulit siya. Hindi talaga kaya ng konsensiya niya ang ginawa nilang kapabayaan sa taong nag-aagaw buhay. Ngunit ilang hakbang palang siya ay pinigil na naman siya ni Prince. Hinila ulit siya nito sa braso kaya paikot siya napaharap sa binata. Muntik pa siyang napasubsob sa dibdib ni Prince, buti't naitukod niya ang isang kamay niya. "You're not leaving," nagbabantang ani Prince. "Hindi mo ipapahamak ang grupo, Hazen. Hindi kami papayag.” "Prince, naman?" Nahintakutan si Hazen. Napadilat ng husto ang mga mata niya. Hindi na niya kilala ang Prince na kaharap niya ngayon. Ang kilala niyang Prince ay sa tama kumakampi, hindi ganito na baluktot ang gustong mangyari. Mayamaya ay marahas siyang itinulak ng binata. Muntik nang mapasubsob may TV. "Sorry, Hazen, pero hindi talaga kita papayagang umalis. Hindi ako papayag na madamay ang pangalan ko sa Jane na 'yon. Katangahan niya ang nagpahamak sa kanya hindi tayo." Ang hitsura ni Prince habang sinasabi iyon ay parang sinaniban ng demonyo. Nakakatakot. Hindi na nakaimik pa si Hazen. Para na siyang naging basang sisiw na napasiksik sa sulok ng ‘besta’. Mas takot na takot na siya kay Prince ngayon. Ngayon lang niya nakita ang binata na ganito. Hindi naman nagtagal ay kumalma rin si Prince. Napabuntong-hininga ito ng malalim at parang nanghina na umupo sa dulo ng L-shaped nilang sofa. Nakasabunot ang dalawang kamay nito sa buhok. Sapagkat ang totoo, gulong-gulo rin ito tungkol sa nangyari. Binalot na sila ng katahimikan na magkaibigan. Tanging ang singhot ni Hazen ang naririnig. "I'm really sorry, Hazen, I just don't want us to be involved. Hayaan mo na lang kasi. Gusto mo ba magulo ang buhay natin dahil lang sa insidenteng iyon? Paano ang mga pangarap natin? Ang babata pa natin para makulong o kung anuman. Pakiusap tumahimik ka na lang. Makisama ka na lang. Hayaan mo na si Jane. Siguro ay kapalaran niya talaga ang nangyaring ito. Mas isipin na lang natin ang kapakanan natin kaysa sa kanya," mayamaya ay hindi tumitingin na pakiusap ni Prince. Malumanay na ang tinig nito. Napatingala si Hazen at napabuga ng hangin sa bibig. Tumutulo pa rin ang mga luha niya. "Hello, Harvey?" Mayamaya ay narinig na lang ni Hazen na may kausap sa cellphone si Prince. "Yeah, nandito kami sa bahay." Hazen bit her lower lip, trying not to oppose again. Mas kinaiinisan niya sa lahat si Harvey. "We're okay. Si Je Em at Meiko kasama mo?" 'Oo' siguro ang isinagot ni Harvey sa kabilang linya dahil tumango-tango si Prince. "So, what's the plan?" ta's tanong ulit ni Prince saka nanahimik dahil pinakinggang mabuti ang sinasabi ni Harvey sa kabilang linya. Habang abala sa pakikipag-usap si Prince ay pinag-isipan pa ni Hazen ang nangyari. Yapak niya ang sarili na tinimbang ang lahat sa kanyang isipan. Ngunit natapos na si Prince sa pakikipag-usap sa cellphone ay wala pa rin siyang naisip. Magkagayunman, naisip na rin niya na may punto nga si Prince. Paano nga kung madamay sila? "Sabi ni Harvey, kung sakaling namatay si Jane ay dapat daw bukas ay iisa ang sasabihin natin o isasagot natin kapag mag nagtanong sa ‘tin,” tinig ni Prince na umuntag sa kamalayan niya. Medyo nagulat pa siya na tumingin sa binatang nagsalita. "Sigurado kasi na tayo ang tatanungin ng mga pulis dahil alam ng lahat na tayo ang huling kasama ni Jane." Sa sinabing iyon ni Prince ay nagsimulang sumibol sa dibdib niya ang takot sa mga pulis. Oh, God, kaya ba niyang magsinungaling? "Kaya dapat iisa lang ang isasagot natin para maniwala sila," sabi pa ni Prince. "A-anong isasagot natin?" Napakamot muna si Prince sa ilong nito. “Dahil nakita tayo ng guard kanina na nagtatakbuhan ay sabihin natin na nagkukulitan lang tayo tapos ay nauna sa atin si Jane na umalis at iba ang way niya pauwi kaya hindi na natin nakita 'yung nangyari sa kanya." Natutop ni Hazen ang bunganga pagkatapos marinig iyon kay Prince. Gagawa sila ng kasinungalin para lang sa kapakanan nila. Ang sama nila. KINABUKASAN nga'y kumalat na sa Sanchi Senior High ang balita tungkol sa nangyari kay Jane Ablay. Na-hit and run daw ang dalaga na sanhi ng ikinamatay nito nang maaga. Buhay pa naman daw si Jane nung itinakbo sa Malvaro Hospital ng isang lalaki ngunit hindi rin nagtagal ay binawian din ito ng buhay. At katulad ng inasahan nina Prince, Hazen, Mieko, Je Em at Harvey ay tinanong ng mga pulis. "Sigurado ba kayo sa sinasabi niyo?" paninigurong tanong ng pulis. Lahat ng sinasabi nila ay sinusulat nito sa maliit na notebook. "Yes, Sir. Nagulat na nga lang kami kanina pagpasok namin ay ganoon na ang balita," matatag na sagot pa rin ni Harvey. Kanina ay ito na ang nagprisenta na sumagot ng lahat ng magiging katanungan sa kanila. Sinabihan nito ang mga kasamahan na huwag magsasalita kung hindi kinakailangan. Tumingin ang pulis kay Hazen. "Eh, bakit siya umiiyak?" Nabahala si Mieko. Kunwari ay niyakap nito si Hazen at hinagud-hagod ang likod. "Sir, siya po kasi ang pinaka-close ni Jane kaya siya po ang mas nasasaktan sa nangyari kay Jane," at sagot nito sa pulis. "Naghaharutan pa kasi sila kagabi ni Jane, Sir, kaya hindi niya matanggap na ganito na ang balita kay Jane," tulong ni Je Em kay Mieko. Kung alam lang sana ng pulis na halos madinig na nila ang matinding kaba sa dibdib nila. Kaya nang pinaalis na sila para pumasok na raw sila sa klase nila ay nakahinga nang pagkaluwag-luwag ang magkakabarkada. Si Prince na kanina ay tahimik lang ay napasandal sa pader. Si Je Em ay halos mapaihi sa salawal na napaupo sa sahig. Si Mieko naman ay nanginginig na kagat-kagat ang hintuturo. "Okay na, guys, basta wala lang magsasalita," Harvey told to them once again. "Oo. Wala naman tayo talagang kasalanan," Mieko agreed. Kay Hazen tumingin si Harvey nang may pagdududa dahil patuloy sa pagluha ang dalaga. "Huwag kayong mag-alala, okay lang si Hazen. Hindi niya tayo ipapahamak," pagtatanggol ni Prince sa dalaga. Inakbayan nito si Hazen. "Hindi ba, Hazen?" Napatingin si Hazen sa kamay ni Prince. Nasasaktan siya dahil ang higpit ng pagkakahawak ni Prince sa balikat niya. Hawak na may ibig sabihin at nauunawan niya naman iyon, ang makisama siya. Kaya nang tumingin siya kina Je Em, Mieko at Harvey na nag-aantay sa sagot niya ay tumango na lamang siya labag man sa kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD