PART 3 :: FATAL ACCIDENT

1526 Words
Si Je Em na mismo ang nagpa-ikot ng botelya ng mineral water huwag lang matapos ang laro nila. At suwerte dahil sa kanya nga tyempo tumapat ang nguso ng bote. "Yeah!" Sa katuwaan ay napasuntok sa hangin ang binata. " Who do you want to kiss, bro?" tanong dito ni Harvey. "Si Mieko!" Hyper na turo ni Je Em kay Mieko. Bumusangot ang dalaga. "Sabi ko na nga ba may lihim kang pagnanasa sa akin." Napahalagpak ng tawa si Je Em. Nakitawa na rin din ang lahat. "Sige na kiss mo na ako. Baka 'pag hindi kita pagbigyan, eh, mabangungot ka mamaya,” saglit ay pag-unlak naman ni Mieko. Ini-ready nito ang pisngi. Nagmamadali na ngang lumapit si Je Em at madiing hinalikan ang pisngi ni Mieko. Mapang-asar nga lang talaga dahil umaktong ipapahiga pa ang dalaga. "Eiiiiihhhhh!" Matinis na tili tuloy ni Mieko. Itinutulak nito ang binata pero ayaw nang magpaawat ni Je Em. "Bro, tama na!" Grabe ang tawang hila nina Prince at Harvey rito. Ang lutong naman nang naging tawa nina Hazen at Jane. Pagkatapos ay sangkatutak na kurot at hampas ang ginawa ni Mieko kay Je Em. "Manyak ka talaga! Manyak ka!" Mas napuno ng tawa ang buong classroom nila na hanggang ngayon ay madilim pa rin. "Yahoooo!" Nadagdagan pa ang katuwaan nila nang bigla nang umilaw. Apiran sila. Sa wakas maitutuloy na nila ang pag-iinsayo. Tumigil na si Mieko sa pambubugbog kay Je Em. Nagsitayuan na silang lahat. Hudyat na tapos na ang laro at oras na para mag-ensayo ulit sila. "Practice na ulit tayo," ani Harvey. "Geh," sagot ni Je Em. Ito na ang nag-play sa radyo. Pumosisyon na sila. "Jane, halika na," pag-anyaya ni Hazen sa isa pang kasama nila. Nakalimutan niyang hindi na kasali si Jane sa practice kaya pinasisintabi kanina ito ni Harvey. "Hazen, hindi na siya kasama," pagpapaalala ni Je Em sa kanya. Ipinause nito ang sasayawin nilang tugtog. Natigilan na si Hazen. Kasabay ng pag-aalala niyang tatanggalin na sa grupo si Jane ay ang pagbabalik din ng pagkaawa niya rito. "P-paanong hindi na po ako kasama?" Nangilid na agad ang luha sa mga mata ng kawawang si Jane. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Nakaramdam na. "Jane, pasensya ka na pero tanggal ka na sa grupo," walang pasintabi na sabi ni Je Em. "Babalik na kasi si Rosemarie kaya hindi ka na namin kailangan." Bumagsak agad ang mga luha sa mga mata ni Jane. Parang pasabog kasi iyon sa pandinig ng dalaga. Mayamaya ay nagtatakbo na na umalis pagkapulot sa backpack nito. "Jane, wait!" tawag ni Hazen. Ngunit parang hindi siya naririnig ni Jane. "Hazen, let her go!" Hinaklit ni Mieko ang braso niya. Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Dahil lang sa walang katuturan nilang plano ay nakasakit sila ng damdamin ng isang mabait na tao. " Hazen, we already talked about this. She doesn't belong to our group because she’s ug—" Igigiit sana ni Mieko sa baluktot nilang katwiran. But Hazen shook her head widely. Mas dismayadong mukha ang ipinakita niya sa mga kaibigan. "Bakit, guys? Batayan na ba sa pagiging dancer ang hitsura? Beauty pageant ba ang sasalihan natin para ganituhin natin si Jane? Wala ba kayong konsensya dahil tinanggal natin siya na wala namang siyang ginawang pagkakamali?" No one responded to her; they simply bowed their heads. Naging hudyat iyon para sa kanya upang sundan na talaga si Jane. "Hazen?!" Ngunit habol din ng apat kay Hazen. Kanya-kanya silang dikwat sa mga bag nila. Sinama na rin ni Prince ang bag ni Hazen. Sinadyang hindi pinapansin ni Hazen ang tawag sa kanya ng mga kagrupo. Buo na ang pasya niya, pipigilan niya si Jane at sasabihing hindi itutuloy ang pagtanggal nila sa kanya. At kung hindi sasang-ayon ang mga kagrupo ay nanaisin na lang niyang mawala na rin. Jane was indeed good at dancing. Actually, mas magaling pa nga si Jane kaysa sa kanya. Napakalambot ng katawan ni Jane. Kahit anong step ay kaya ni Jane, hindi katulad niya na kailangan niya pa ng puspusang practice, that's why she believed that Jane deserved to stay in the group more than she did. "Jane, wait lang please!" Nakita na niya ang dalaga kaya tinawag niya ito. Ngunit tulad kanina ay nagbibingi-bingihan yata si Jane. "Hazen!" Tawag naman sa kanya ng mga kaibigang humahabol din sa kanya. Napatayo ang guard na naka-duty nang makita sila. "Uuwi na kayo?" tanong nito kay Jane. Pero hindi sumagot si Jane. "Kuya, uwi na po kami," siya ang sumagot sa guwardya. Sa may gate nagtigil sina Mieko, Harvey, Prince at Je Em sa pagtakbo. Hingal na lamang silang sinundan ng tingin ang papalayong sina Jane at Hazen. “Ang tigas talag ng ulo mo, Hazen!” pasigaw na himutok ni Mieko. "Sundan natin si Hazen, guys," hindi nakatiis na sabi ni Prince nang makitang patuloy sa pagsunod ni Hazen kay Jane. Pareklamong umungol man sina Je Em at Harvey ay nagtatakbo ulit sila. At nang makalayo na sila sa school nila ay anong gitla nila nang makita nilang biglang tumawid sa kalsada si Jane. "Jane! Sandali lang!" Kahit si Hazen na malapit nang abutan sana si Jane ay nagulat sa ginawang iyon ni Jane. Ang sumunod ngang eksena ay ang pagtigil ni Jane sa gitna ng kalsada dahil sa nakakasilaw na ilaw ng head light. "Eiiihhhhh!" At huli na para makaiwas ito. Huling tili na lang ang nagawa ng dalaga bago ang nakakatakot na tunog ng isang bagay na sumalpok sa isang sasakyan. "Jaaannneee!" napakalakas na sigaw ni Hazen. Nanlaki ang mga mata ni Prince. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ni Hazen. "Holy sh*t!" naibigkas naman ni Harvey sa nangyari nang tumigil sila sa likod ni Hazen. Si Mieko ay napapikit nang mariin kasabay ng pagkapit nito sa braso ni Harvey. Takot na takot namang napasunod ng tingin si Je Em sa papalayong sasakyang bumangga kay Jane. Tatakas ang driver. "Oh, my god, Jane!" hiyaw pa ni Hazen. Akmang tatakbo sana siya palapit sa nakahandusay na si Jane pero niyakap agad siya Prince para pigilan. “Hazen, no!” "Let me go, Prince! Si Jane! Si Jane!" pagwawala niya. Ngunit mas hinigpitan pa ni Prince ang paghawak sa kanya. "Guys, tara! We have to get out of here!" Harvey shouted in fear. "What?! Paano si Jane?!" protesta ni Mieko. Kahit paano ay nasa matino pa itong pag-iisip. Sigawan na ang usapan nila sa tensyon at takot na nadarama. "Gusto niyo bang makulong?!" saad na patanong ni Harvey. "Bro, what are you saying?!" naaalarma nang tanong ni Prince. Hindi na natiis na hindi magsalita. "Hindi niyo ba naiisip na kapag nakita tayo na kasama si Jane ay puwede tayong madamay rito!" paliwanag ni Harvey. "T*ngna! Ayokong madala sa istasyon ng pulis! Magagalit si mommy!" Tila ay naunawaan na agad ng iba ang gustong ipunto ni Harvey kung kaya't mas nahintakutan pa sila. "Guys, let's help her!" Hazen pleaded with a shaking voice. Siya ang hindi nadala ng takot. Mas hindi siya sang-ayon sa naiisip ngayon ng mga kagrupo. "Hell no! Ayokong madamay rito!" ngunit bulyaw na nga ni Mieko. Nag-iba na rin ang pananaw nito dahil sa sinabi ni Harvey. "Bahala kayo d’yan! Basta ako aalis na!" nabahag ang buntot na saad pa ni Harvey at walang anumang iniwan na sila. Nagtatakbo na itong umalis. "Harvey, wait! Sama ako!" Habol ni Mieko rito. "Shete naman, oh!" Hindi naman alam ang gagawing naisambit ni Je Em ngunit sa huli ay sumunod na kina Harvey at Mieko para tumakas. "Hazen, let's go!" Hinila na rin ni Prince si Hazen para sumunod. Hindi nito magawang iwanan doon ang dalaga. "Prince, let me go! Kailangan ni Jane ng tulong ko! Dadalhin ko siya sa ospital!" angil ni Hazen. Hindi siya magpapatianod sa mga kasama. Gagawin niya ang tama. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Prince sa kanya. Ayaw siyang bitawan. "Hazen, Harvey was right! Gusto mo bang mapagbintangan?! Tingnan mo nga, iniwan din siya ng nakadisgrasya sa kanya! Hayaan mo na siya! Tara na!" Halos kaladkarin na siya ni Prince. "Prince, please bitawan mo ako!" sumamo pa rin niya. Ayaw niya pa rin. Bahala na pero tutulungan niya si Jane. “No! Halika na!” Ginamit na ni Prince ang lakas nito bilang lalaki kaya nakakaladkad na siya nito. "Bitawan mo ako sabi!" Umiiyak na siya. Medyo malayo na kasi sila sa kinaroroonan ni Jane. "Hazen, stop it! Sigurado may tumulong na sa kanya!" nauubusan na ng pasensya na bulyaw ni Prince. Sila na lang ang magkasama dahil hindi na nila makita kung saan nagtungo ang iba. "No! We need to help her!” pagwawala pa lalo niya. Pinipilit niyang inaalis ang kamay ni Prince sa palapulsuhan niya. Hindi makakaya ng konsensya niya na pabayaan si Jane. At sa pagwawala niya ay may nabangga siyang lalaki. "Sorry po." Si Prince ang humingi ng dispensa sa lalaki. Saka muling hinila siya. "Prince, tulungan natin si Jane. Parang awa mo na," sumamo pa rin ni Hazen nang wala siyang magawa. Parang papel na lang kasi siya na hila-hila ni Prince. Hindi na nila nakita ang pagtigil ng lalaki sa paglalakad at napalingon sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD