"Ang ganda ganda mo, sis!" hangang-hanga na wika ni Rose habang sinisipat nito ang kabuoan niya. Kiming ngumiti si Jennie na nasa harapan ng malaking salamin. Siya man ay 'di makapaniwala sa kanyang hitsura ngayon. Naluluha siya habang pinagmamasdan niya ang repleksyon niya sa salamin. Totoo na ba ito?! Hindi ba ito panaginip lamang? Ikakasal na ba talaga siya? "Sana ganyan din ako kaganda kapag ikakasal ako!" inggit na inggit ding sabi ni Joyjoy na inaayos ang belo sa ulo niya. Nauna na silang inayusan ng mga bakla kaya tinutulungan na nila ang mga itong ayusin siya. Habang si Ajie na nasa wheelchair ay nakatinging patingin-tingin at nakikinig sa kanila kahit na kapansin-pansing hinang-hina na talaga ang dalaga. "Andaya niyo nga, eh. Kapag kayo ang ikasal hindi na ako pwedeng maging a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


