Sinikap ni Jennie na kumbinsihin ang kanyang ama at dalawang kaibigan na 'wag pumayag ang mga 'to sa gusto ni Jordan na umuwi sila sa bahay nito, sa bahay ng mayor for exact. Pinaninindigan niyang hindi niya kilala si Jordan kaya bakit siya sa sasama sa binata? Ngunit ang mga paliwanag niya ay hindi pinakinggan. Wala raw magagawa ang tatlo dahil pinal na raw ang desisyon ni Jordna. Tutal naman daw ay malapit na silang ikasal. Nagkasundo na rin daw ang kanilang ama. At isa pa, malaki raw ang maitutulong ni Jordan na ibalik ang mga naburang alala-alala niya. Hindi na lamang siya kumibo pa at baka makahalata na sila. Bakit ba kasi hindi niya naisip na pwedeng mangyari 'to? Kainis! Gusto niya sanang tumakas sa hospital pero inisip niya naman ang kanyang ama. Baka mapano 'to kung mag-alala

