Pagkagising niya ay nagulat si Jennie nang makitang katabi niya sa pagtulog si Jordan. Hindi na niya namalayan itong dumating kagabi. Kasi bigla na lamang nag-paalam nang may tumawag dito. Emergency raw. Nakayakap sa kanya ang nobyo. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito na nakadantay sa kanyang tiyan. Saka maingat na tumindig. Magbabanyo sana siya pero 'di niya maiwasang tingnan ang natutulog na binata. Kahit sa pagtulog gwapo pa rin sa tingin niya si Jordan. Payapang-payapa ang mukha at parang batang nakakukot sa paghiga. Napabuntong siya hininga ng malalim. Mahal na mahal pa rin niya si Jordan. Magkagayunman, hindi pa rin niya maiwasang mangamba, kung saan ito kagabi at inumaga na. Ayaw niya nga sanang payagan itong umalis pero kung gagawin niya ay mahahalatang nagpapanggap siya

