Tahimik na sunod-sunoran lamang si Jennie kay Jordan patungong ospital. Dumadagundong ang puso niya. Ayaw niya talagang sumama dahil baka kung ano'ng magawa niya sa Ajie na 'yon kapag nakita niya ulit. Subalit wala siyang naisip na idadahilan kaya napasama siya ng wala sa oras. Ayaw niyang mahalata ni Jordan ang pagpapanggap niya. Pagdating sa ospital ay si Joyjoy ang una nilang nakita sa labas ng isang silid. Halatang nag-aantay ito at saka halatang nagulat din nang makita siya. Iginiya agad sila ni Joyjoy papasok sa silid na iyon. Nanlamig ang mga kamay niya. Ngunit nang makita niya si Ajie na nakahiga sa kama ng pang-ospital at parang hinang- hina ay nagtaka na siya. At... At gumiti ito sa kanya. Muntikan nang mapakunot-noo siya. Buti't mabilis na pinaalala ng isip niya na may amne

