Matuling lumipas ang mga araw at ilang linggo na ring wala sa bahay ng Mayor si Jennie. Simula no'ng araw na inamin niya wala siyang amnesia kay Jordan ay nagpasiya na rin ang dalaga na umalis doon at bumalik sa tirahan nilang mgkakaibigan. Wala na kasi siyang mukhang ihaharap pa. Hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. Gayunman hindi siya nagsisisi. Nang araw na 'yon ay inamin din niya kay Joyjoy ang ginawang pagpapanggap niya at awa ng Diyos agad siyang naunawan ng kaibigan, hindi tulad ni Jordan na hanggang ngayon ay merong konting tampo pa rin sa kanya. Simula rin 'yon ay kasa-kasama na siya sa pag-aalaga kay Ajie. Mas malubhang-malubha na ang kalagayan ng dalaga. Subalit matigas pa rin ang pasyang 'wag sabihin sa mga magulang nito ang kalagayan. Siguro nga ay kagagahan ang kanyang gina

