"Hanggang dito na lang ba tayo? Ganito na lang ba ang magiging papel ko sa buhay mo?" anang dalaga na nagpatigil kay Xander sa balak nitong pag inom ng alak. Nasa sala sila ng kanyang apartment at tanging kumot lang ang nababalot sa katawan ni Emma habang si Xander ay tanging boxer lang ang suot. Kakatapos pa lang nilang magtalik ng God knows kung ilang beses nilang ginawa, paulit-ulit siyang inangkin ni Xander kaya hindi na niya mabilang kung naka-ilang round sila. "Xander," mahinang pag tawag ni Emma sa pangalan niya. Sandali siyang nilingon nito pero agad din nag-iwas ng tingin at saka tinungga ang baso na may lamang alak. Kanina pa ito umiinom at pansin ni Emma na may tama na ito ng alak. Hindi iyon gawain ni Xander kaya nasisiguro ng dalaga na may gumugulo sa isipan ng binata. Tila