Chapter 79

2238 Words

Nang araw na umalis si Xander sa apartment ng dalaga ay hinintay pa rin ni Emma ang pagbabalik niya. Kahit hindi siya sigurado kung kailan magpapakita ang binata ay talagang naghintay pa rin siya. Pero lumipas ang isang araw ay hindi pa rin dumarating ang binata. Emosyonal na nagpadala ng mensahe ang dalaga pero tila ba pinupunit ang puso niya dahil wala man lang katugon ang mga mensaheng ipinadala niya kay Xander. At sa tuwing tatawagan niya naman ito ay hindi rin sumasagot. Marahil ay talagang nagalit ang binata dahil ayaw niyang umalis si Emma. "Dumalaw ka lang pag may bakanteng oras ka. Gusto kitang makita at maka-usap bago sana ako umalis. Sorry kung may nagawa man akong mali. Subra na kitang namimis, Xander," agad na pinindot ni Emma ang sent button pagkatapos e-type ang kataga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD