Kinabukasan ay naging si Emma dahil sa masamang pakiramdam. Tila ba hinuhukay ang sikmura niya at para bang gusto pa niyang masuka. Pero sa halip na magtungo sa maliit nilang banyo ay ang cellphone nito ang agad niyang hinanap. Kinapa niya iyon sa ilalim ng unan kung saan niya itinago. Agad na bumungad sa kanyang mga mata kung ano pa lang ang oras. Alas kwatro pa lang ng umaga at kung nasa syudad lang siya sa puntong iyon ay siguradong tulog pa siya. Hindi napigilan ng dalaga na buksan ang inbox nito. Kahit ano pa man ang nangyari sa kanila ng binata ay nagbabakasali pa rin siya na maalala siya ni Xander at magpaparamdam ito. Pero malakas na lang siyang napabuntong hininga nang wala man lang siyang natanggap na text o tawag mula sa binata. Napa-iling siya at walang buhay na natawa.