"Anong ginawa niyo sa loob? What's that loud and horrible sounds we heard?" Parehong nanigas sina Emma at Xander nang marinig ang mapanuring boses ni Xyril. Pagbukas pa lang ni Xander ng pintuan ay nandoon na ang batang babae sa labas niyon na tila ba talagang hinintay na bumukas iyon. Nakapamaywang ito habang nakakunot ang noo. Sa Emma na nasa likuran ng lalaki ay natulos na yata sa kinatatayuan. Magkahalong hiya at kaba ang namutawi sa dibdib niya dahil sa horrible na sinasabi nito. Gano'n na ba sila nag-enjoy para lumikha ng malakas at nakakatakot na tunog? Oh my God. "Aren't you gonna say something to answer me? I'm waiting here..." aniya pa nito. Para bang magulang ito na naiinis na pagkatapos pagalitan ang anak ngunit wala pa ring sagot na natanggap. Nang makabawi si Xan