Kinabukasan ay nagising si Emma dahil sa ingay ng door bell. Pagka-alis nila sa bahay ng mga magulang ni Xander ay dumiretso sila sa condo nito para doon panandalian tumira habang nasa syudad pa sila. Hindi naman sila magtatagal doon kaya ayos lang kaye Emma na tumira doon. Maaga pa lang ay mag-isa na si Emma. Dinala ni Xander ang dalawang anak sa mall para mamasyal. Hindi na siya sumama dahil simula kahapon ay sumama na ang pakiramdam niya. Marahil ay dahil subra siyang naantig sa kwento ng buhay ni Edna. Inakala ni Emma na siya na ang may pinakamalupit na karanasan pagdating sa buhay pag-ibig, pero hindi pa pala. Kung tutuusin ay mas maswerte pa rin siya kahit papaano. Tinatamad na bumangon si Emma dahil sa patuloy na pag-iingay ng door bell. Mag-isa lang siyang nagpa-iwan at wala