"Nanay, can we go home now?" Pabulong na tanong ni Xian. Alanganin na ngumiti si Emma sa anak bago napatingin sa paligid niya. Pagkalabas nila ng hospital ay agad silang dinala ni Xander sa bahay ng mga magulang nito. Kumpleto ang buong pamilya maliban sa Lolo at Lola ni Xander na nasa hindi magandang sitwasyon, maging ang Tito Jonas nito ay wala rin dahil abala ito sa paghahanap sa kanyang asawa. Mabuti na lang at kumpleto ang mga kaibigan ng kanyang magulang na naging pangalawang magulang din para sa kanilang magkakapatid. "Anak, mamaya na lang. Kadarating pa lang natin. Nakakahiya naman sa Lola at Lolo mo," pabulong din na sagot ni Emma. Mula sa kalayuan ay tila ba napansin ni Xander ang sekretong pag-uusap ng dalawa. May kalayuan ang kina-uupuan ni Xander at abala ito sa pakikipag