"Patawarin mo si Nanay kung naging malupit ako sa'yo, Xander. Nagkamali ako. Sana mapatawad mo si Nanay," anang Ginang gamit ang malungkot niyang tinig. Agad na napabitaw ng pagkakayakap mula sa Ina si Xander at nagtutubig ang mga matang napatitig sa mga mata niya. "Ibig sabihin ba nito, tanggap mo na ang relasyon namin?" Emosyonal na tanong ni Xander. Saglit na sumulyap ang kanyang Ina sa gawi ng dalaga na bakas ang labis na pagkagulat pero nandoon pa rin umaasa niyang kislap ng mga mata. Alanganin siyang ngumiti kay Emma dahil nabuhay ang hiya niya sa katawan dahil sa panghuhusga nito. Kapagkuwan ay mabilis din siyang nag-iwas at nang muling magtama ang mga mata nila ng anak ay malawak itong ngumiti at saka tumango pa. "Kung iyon talaga ang magpapasaya sa'yo ay wala na akong ma