"Nagkita na kayo? Kumusta siya, anak? Gusto ko silang makita. Halika, dalhin mo ako sa kanila," hindi na magkamayaw na saad ng Nanay ni Xander pagkatapos marinig ang lahat ng kwento ng anak. Sa subrang excitement nito ay talagang napatayo pa muka sa kina-uupuan nito. "You will, Nanay. You'll gonna love my kids. That's for sure," nakangiting sabi ni Xander na talagang nagmamalaki ang tinig. Nang makitang nakangisi ang kapatid na si Jethro ay ngumisi din siya dito. "Someone's happy," nang-aasar na sabad ni Jethro. Pasimple siyang siniko ng asawang nasa tabi nito kaya agad niya itong niyakap at naglalambing. "F*ck. Yeah. So damn happy. Subra pa sa nanalo sa lotto," masayang sagot ni Xander sa kapatid. Tinaasan lang siya ni Jethro ng gitnang daliri nito bilang sagot kaya napa-iling