Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kung ramdam mong hindi ka na niya pinapahalagaan ay darating ka rin pala sa punto na ikaw na mismo ang sumuko. Iyon ang nararamdaman ni Emma sa mga sandaling iyon. Ilang araw na silang naninirahan sa kabundukan sa takot na baka mahanap sila ni Xander. Sa ilang ilang araw nilang pagtatago doon ay hindi naging madali ang lahat lalo na sa kambal niyang anak. Panay ang reklamo ng mga ito dahil sa mga nakapaligid sa kanila na panay ang bulungan, kung bulungan bang matatawag ang pag-uusap ng mga ito. Sa pagkakaalam kasi ni Emma ay hindi naririnig ng iba kung may binubulong ka man sa iyong kausap. At sa parte ng kanilang mga kapitbahay ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagbubulungan ng mga ito. Tulad na lang ngayon. Umaga pa lang, hindi pa yata nakak