Alam niyang nagsisimula pa lang si Xander pero hindi ito nagdalawang isip na tumigil dahil sa pangamba na baka kung ano pa ang mangyari sa kanya at sa kambal na nasa loob ng sinapupunan niya. Naudlot man ang ginagawa nila pero walang bakas ng pagsisisi. Hindi nasasayangan ang mukha ni Xander kung hindi man niya naituloy ang gustong gawin. Sa puntong iyon, ang tanging nasa isip lamang ni Xander ay ang kaligtasan ng kanyang mag-iina. Masyado ata siyang nadala para mawala sa isipan niya na ingatan ang buntis niyang asawa. At iyon ang labis niyang pinagsisihan hindi ang makamundong pagnanasa na muntik nang maglagay sa kapahamakan sa kanyang mag-iina. Hindi naman maselan ang pinagbubuntis ni Emma pero mas mahalaga pa rin iyong nag-iingat sila. Ilang sandali pa ay naramdaman ni Emma na kinuh