Tila isang pag sabog ng bulkan ang nangyari na biglaang pagdating nila Emma sa kanilang maliit na baryo. Nagulat ang lahat ng mga tao doon nang makitang bumaba ang sasakyang panghimpapawid na halos tumangay na sa kanilang mga kabahayan. Ngunit ang mga marites nilang mga ka-baryo ay mas nagulantang sa biglaang pagdating ni Ella na ilang taon din nilang hindi nakita. Tulad ng nangyari nang siya ay umuwi ay napuno rin ng bulungan sa mga sandaling iyon. Lahat ng mapanuring mga mata ay nakatingin sa tiyan ng kanyang kaibigan at mariing sinusuri iyon. Ngunit ang kanyang kaibigan na sanay na sa panghuhusga ng iba at taas noong sinasalubong ang tingin ng mga ito. Mas lalo pa yata niyang inaasar ang mga chismosa kaya napapa-ingos ang mga ito. "Ayan, pag alam na buntis, pinagchichismisan niyo