Kinaumagahan ay nagising ang diwa ni Emma dahil sa ingay sa kanyang paligid. Hindi naman iyon bago sa kanya pero nang umagang iyon ay hindi niya napigilan ang mairita. Sarap pa sarap pa ang mahimbing nitong pagkakatulog pero bubulabugin siya ng mga marites niyang kapitbahay. Naiintindihan naman niya kung bakit pinagkakaguluhan ng mga ito si Xander. At lahat ng iyon ay dahil sa madaldal nitong kaibigan na si Ella. Hindi nakapagpigil ng madaldal niyang kaibigan na sabihin sa mga tao roon kung ano ba talaga ang katayuan sa buhay ng Tatay ng kanyang mga anak. Talagang ipinagmalaki pa nito sa mga inggitera niyang kapitbahay na mayaman si Xander dahilan para pag tuunan nila ito ng kanilang pansin. Mas lalo tuloy umuugong ang bulung-bulungan kung gaano siya kaswerte. Subra pa sa nanalo ng