Masayang umuwi sina Emma at Xander habang magkahawak kamay. Mabuti na lang at may dala itong basketball short para ipamalit sa maputik nitong pantalon. Nang umuwi sila ay tanging short lang ang suot ng asawa. Sandali pa silang nagtagal doon dahil hindi nakayanan ni Emma ang pagod at nakatulog siya. At hinayaan naman siya ng asawa na magpahinga. At sa buong oras nakapikit ang mga mata ni Emma ay nakabantay lamang sa kanya si Emma. Hindi na ito bumalik pa sa kanyang ginagawa sa takot na baka mapaano ang asawa kung iwanan niya doon ng mag-isa. Nang magising si Emma ay mataas na ang sikat ng araw. Nang maisip ang naiwang mga anak ay dali-daling nag-ayang umuwi si Emma. May mga nagbabantay naman sa kambal pero iba pa rin iyong siya mismo ang gumagawa niyon para sa mga anak. Kahit ano man pa