"Nasaan ang Tatay niyo?" Mula sa kusina ay narinig ni Xander ang tinig ng isa sa kanyang bantay. Habang magkalapat pa rin ang mga labi nila ni Emma ay napangiti siya. Ang sarap ng nararamdaman nito sa tuwing naririnig niyang may nagsasabing Tatay siya ng kambal. "Xander," mahinang ungol ni Emma sa pangalan niya nang lumayo siya dito. Mahina niyang itinulak ang mukha ni Xander nang akma iyon hahabol upang halikan siya ulit. "Teka lang. Saan galing ang dalawang iyon?" Pigil na tanong ni Emma. Pero wala yatang balak si Xander na sagutin siya ng maayos dahil nagnakaw lang ng ito halik sa kanya. "Inside the kitchen. With Nanay, I guess," narinig nilang sagot ni Xian. Umalis sa pagkaka-upo sa kandungan niya si Emma at nagtatakang sumilip sa sala. Agad naman na tumayo si Xander at sumu