"Sino ba talaga ang tamad? Iyon bang taong utos nang utos o 'yong isang 'di mautusan?" Natigilan sa paghakbang si Emma sa narinig na naging tanong ni Xyril. Kumunot pa ang noo nito nang makitang nakapamaywang ang anak niyang babae habang nakaharap sa kakambal nitong si Xian. "Hindi ba pweding nag-uutos lang? Tamad na agad kapag gano'n?" Giit ni Xian. Talagang walang halong english ang gamit nitong lingguahe na mas lalo lamang ikina-kunot ng noo ni Emma. Napatingin siya sa paligid at mula sa pang isahang sofa ay nandoon ang Tatay ng kambal na prenting naka-upo habang may kinakain itong pizza. Napa-iling si Emma. Sa kanyang nakikita ay tila ba enjoy na enjoy si Xander habang pinapanood na mag bangayan ang kambal nilang anak. "Xyril, come on. Please, dalhin mo na ito sa kusina," nagm