Nadatnan ni Xander ang anak na babae na naka-upo sa sahig habang tulala. Bagong gising ito kaya tila ba wala sa sarili. Napakamot ng ulo si Xander dahil buong akala pa naman nito ay mahimbing na ang pagkakatulog ni Xyril. Inaasahan na nito na hindi na siya mahihirapan pang patulugin ito at tatabi na lang kay Emma mamaya. Ngunit heto ang isa pa niyang anak at balak yatang ipagdamot ang kanilang Nanay. "Xyril, anak, halika. Tulog ka na ulit sa kwarto," mahinahon na sabi niya dito nang lumuhod siya sa harap ng anak. Agad naman itong nagpakarga at saka yumakap at isiniksik pa ang mukha sa leeg ni Xander. "Tatay, aalis ka ba ulit kapag nakatulog na ako?" Inaantok na tanong nito. Kahit hindi man nakikita ng anak ay nakangiting umiling si Xander dito. "Hindi na ako aalis, anak. Nandito ak