"X-xander," pakiramdam ni Emma ay nakakita siya ng multo nang makita ang taong ayaw na niyang makita pa. Nang buksan niya ang pintuan para sana kunin ang order niyang pagkain para sa kambal ay sakto naman na dumadaan ang lalaki. Tulad niya ay natigilan din ito at tulalang napatitig sa kanya. Tila ba hindi ito makapaniwala. Mabuti na lang at mabilis na bumalik sa tamang huwisyo si Emma. Kaagad niyang naisarado ang pintuan bago pa man mangyari ang bagay na 'di dapat mangyari. Mula sa nakasaradong pintuan ay sumandal siya doon habang nasa tapat ng dibdib nito ang kanyang palad. Mabilis ang t***k ng kanyang puso na para bang nanggaling siya sa isang karera para hingalin. Nang mahagip ng paningin ni Emma ang dalawang anak na nagtatakang nakatingin sa kanya ay hindi niya malaman kung anong hi