"Baby, tell me, paano ko mapapa-uwi itong mga kapitbahay mo? Gabi na pero nakabantay pa rin sila," mahinang natawa si Emma nang makitang mapangiwi si Xander habang nagtatanong. Siya nga ang kausap nito pero ang mga mata ay nakatingin pa rin sa mga taong nagmistula nang bakud habang nakapalibot sa bawat paligid ng bahay. Wala na madadaanan kung may lalabas man sa kanila. May tao sa nakabukas na pinto at may nakasilip rin mula sa nakabukas na bintana. Kahit saan man lumingon si Xander ay mga nagbubulungan siyang nakikita. "They're kinda annoying, Tatay. People here are weird. They keep staring like they want to eat us alive," mas lalo pang napangiwi si Xander sa narinig na sinabi ng anak. Talagang umingos pa ang bata at halata ang pagka-disgusto sa mukha nito. Walang halong-biro, tala