"As long as I want to savour this lips of yours, but I need to stop myself. Mukhang naiinis na si Xian sa dalawang kasama ko,"bulong ni Xander nang muling pakawalan ang mga labi ni Emma. Mahina siyang natawa at saka siya na rin mismo ang umalis sa kandungan ni Xander. Sa tinig pa lang ng kanilang anak, alam na niyang naiinis na ito. Isa pa naman sa pinaka-ayaw nito ang titigan siya. "Lumabas ka na bago pa siya magwala doon," naiiling na saad ni Emma. Tumalikod siya para magpalit ng maayos na damit. Naka-sando lang kasi siya at ayaw niyang manatili sa gano'n lalo pa at may ibang lalaki sa loob ng kanyang pamamahay. "Anong hinahanap mo?"narinig niyang tanong ni Xander na sumunod pala sa kanya. Sumagot si Emma dito pero hindi nag abalang lumingon kay Xander. "Damit para palitan ang su