Chapter 108

3732 Words

"Xian, Xyril, anong ginagawa niyo? Bakit hindi ko na naririnig ang ingay niyo?" nakatalikod na tanong ni Emma na abala pa rin sa loob ng kusina. Nang walang narinig na sagot mula sa mga ito ay dali-dali niyang tinapos ang ginagawa. Hindi magkamayaw ang galaw nito habang inilalagay ang mga hinandang sandwich at gatas para sa kambal pagkatapos ay dinala iyon sa lamesa. Hindi pa man nailalagay ng maayos ay mabilis na siyang nagtungo sa nakabukas na pintuan. Hindi na pinansin ni Emma kung kumalat man ang natapon na gatas dahil sa pag-aalala. Kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Alam naman niyang walang mangyayaring masama sa kambal pero kinakabahan pa rin siya. Mas lalo pa siyang kinakabahan dahil bukod sa hindi niya naririnig ang tinig ng dalawa ay hindi pa niya ito masili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD