"Come on, love. Let's dance," nakangiting sabi ni Krista at saka hinatak niya ang binata papunta sa dance floor. Walang nagawa si Xander kung hindi ang sumama rito. Napilitan dahil sa pangungulit ng dalaga. Ayaw naman niyang maging rude dito kaya pakisamahan na lang niya ito sa halip na balewalahin ang invitation ng dalaga. Kilala niya ang dalaga at alam nito na hindi siya titigilan ni hangga't sa pumayag siya. Pagdating sa dance floor ay agad na isinisiksik ni Krista ang katawan sa binata habang sumasayaw sila sa dagat ng tao. Kung saan-saan naglilikot ang mga kamay nito. Todo iwas naman si Xander pero sadyang makulit ang dalaga dahil ayaw talaga nito magpapigil. Hanggang sa biglaan na lang nitong kinabig si Xander sa leeg at saka mapusok na hinalikan. Nanigas ang binata na tila