Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 11 ANG PISTA NG MGA BITUIN 2 Umaga na nung namalayan namin na kumakatok na pala si Mama at Papa isasama daw kami ni Arvin sa bilihan ng damit na gagamitin namin mamaya sa Pista ng mga bituin. Kaya naman dali dali kami naligo at nag bihis. Dahil walang dalang sasakyan si Arvin ay sumabay nalang kami sa sasakyan ni Papa at doon kami naupo sa back seat. Habang nasa byahe ay hindi namin maiwasang maexcite na parang mga batang ipapasyal kung saan at ibibili ng maraming laruan. "Tradisyunal ang pista ng mga bituin, tayo ay aattend dito at manonood ng taunang palabas ay hindi maaaring mag suot ng kaswal na damit. Dapat dito ay mga tradisyunal din na damit na may burda ng tribo o desensyong pang tradisyunal katulad ng mga chinese collar at iba pa. Ang pista