Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 10 ANG PISTA NG MGA BITUIN 1 "Im sorr y tol, sorry sa ginawa ko kagabi" ang sabi ko sa kanya na hindi maitago ang lungkot sa aking mga mata. "Shhh, tama na tol, sorry din nabigla ako. Akala ko ay ayos lang sayo na ang utol mo ang maging lover mo. Na itaas sa ibang level ang samahan natin. Since wala naman tayong mga shota, alagaan nalang natin siguro ang isa't isa." sabi ni Arvin habang naka ngitim "Si tol ang lover ko?" ang tanong ko sabay ngiti "Ay hindi si TEH, gusto mo? Gusto mo si Teh ang lover mo?" ang sarcastic nyang tugon na may pang asar dahilan para matawa ako. "Sira ka talaga. Ump!" sabay kurot sa pisngi nya.. Sa totoo lang til now ay magulo pa rin ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, maaya ako dahil kasama ko siya ngayon.