Humahangos na bumaba ng hagdan si Wilma dala ang papel na nakuha niya sa ibabaw ng kama ni Nicole, tama namang kadarating lang ni Arthur galing sa paghahatid kay Brix sa The Vander Suite. "Oh, ano ang nangyari sa'yo?" tanong ni Arthur. Tumigil siya sa paanan ng hagdan at hinintay na makababa si Wilma. "Ang alaga ko... si Nicole. Umalis siya ng hindi nagsasabi. Ito nag iwan lang ng sulat." Inabot ni Wilma ang hawak na papel kay Arthur. Dear Yaya Wilma, Namasyal lang po ako saglit. Babalik din ako agad, huwag mo na akong hanapin. Love, Nicole "Kanina pa ba siya nawawala?" tanong ni Arthur kay Wilma matapos niyang ibalik dito ang papel. "Hindi ko nga alam kung anong oras pa siya umalis. Nasa kusina kasi ako tinutulungan ko si Aling Ester na magluto. Akala ko naman naglalaro lang siy