Maingat na pinihit ni Nicole ang seradura ng pinto, nilakihan ng konti ang awang niyon at ipinasok ang kaniyang ulo sa loob para silipin kung may tao. "Hmm..." Ang malaking office table sa pinakagitna ng opisina ang agad nabungaran ng kaniyang mga mata. Nakabukas ang kurtina roon kaya tanaw na tanaw ang matayog na mga gusali. Napansin niya ang lalaking nakangudngod ang ulo sa lamesa na tila ba natutulog. Sa tingin niya ang lalaking iyon na ang kaniyang hinahanap. Alam niya ang mukha ni Gener Montoya dahil nakita na niya ito sa mga pictures ng i-search niya sa internet. Kapag napagmasdan niya sa malapitan ang mukha ng lalaking natutulog sa lamesa ay malalaman agad niya kung si Gener nga ba ito o hindi. Patingkayad siyang lumakad palapit sa kinaroroonan nito. Nang nasa harapan na siya n