Araw ng Biyernes, walang pasok sa eskwela sila Nicole kaya ang bata ay nasa kuwarto lang niya at naglalaro. Sinamantala niya ang pagkakataon para makalabas ng bahay. Tama namang nakaligo na siya. May sulat siyang iniwan sa ibabaw ng kaniyang kama para sa kaniyang Yaya Wilma. Isinukbit niya sa balikat ang malit niyang backpack naroon ang kaniyang mga baong pagkain kung sakali mang gutumin siya sa daan. May mga biskwit, chocolate drink at mineral water sa loob niyon, bukod pa sa towel na pamunas niya ng pawis. Pupunta siya sa Montoya Group of Companies para kausapin si Gener Montoya. Isang sekreto lang iyon kaya hindi niya ginawang magpaalam sa mga kasama niya sa bahay. Sinamantala niyang abala ang lahat pati na ang kaniyang Yaya Wilma. Nasa kusina ito at nakikipag huntahan sa mga kasama ni