Katulad ng pangako niya sa kaniyang ama ay pauwi na sana sa kanilang bahay si Maria, kaya lang bago umalis ay nagbukas siya ng kaniyang cellphone at nakita niyang halos lahat ng laman ng news feed niya ay patungkol sa ginawang pag aresto ng mga pulis sa kaniyang ama. Inakusahan ito ng corruption. Ang sabi sa balita ay gumamit at tumanggap daw ang presidente ng IBCC na si Gener Montoya, ng pera na galing sa pondo ng kanilang organisasyon para sa kaniyang pansariling kapakanan. Agad niyang hinanap ang kapatid na si Drake para ipaalam dito ang nangyari sa kanilang ama at dali-dali naman silang sumugod sa presinto kung saan ito iniimbestigahan. "Dad, what happened?" tanong ni Maria sa ama, yumakap siya rito at umupo sa tabi nito. "There's just a misunderstanding here, don't worry makakalaba