Dahil sa nangyaring anomalya sa IBCC ay nagpalit na ng mga opisyales ang kanilang organisasyon. Ang lahat ng kasabwat ni Mr. Limbo ay tinanggal na sa samahan. Nanatiling presidente naman si Gener. Bumalik na sa dati ang buhay niya at ng kaniyang pamilya. Ang kompanya niya ay nanatiling matatag. Mas lalo siya ngayong hinangaan at tiningala sa business community. "Daddy, aalis ako," sabi ni Nicole, bumaba ito sa upuan at isinukbit sa magkabilang balikat ang tangkay ng kaniyang backpack. "Huh! Saan ka pupunta?" kunot noong tanong ni Brix. Kasama niya ang anak sa kaniyang opisina. Bakasyon na nila sa eskwelahan at naiinip ito kaya hinayaan niyang sumama sa kaniya sa trabaho. "Kay Lolo Gener, magpapahatid na lang ako kay Ninong Arthur, pupunta ako sa office niya," tugon ng bata. "Bakit a