Hindi inaasahan ni Maria na makakasama na naman niya si Kylie sa iisang project. Kahit hindi siya komportable na katrabaho ito ay wala siyang magawa kung hindi ang makisama sa modelo. "Alam mo, una pa lang kitang nakita hindi na kita gusto," sabi ni Kylie kay Maria. Lumapit ito sa dalaga at tiningnan ang mga alahas na gawa niya na maayos ang pagkakalagay sa lamesa. Kinuha nito ang isang purselas at sinipat. Sumimangot ito na tila ba hindi nagustuhan ang kaniyang nakikita. Ibinalik nito ang purselas sa lamesa ngunit hindi nakarating sa kung saan ito nakapatong kanina bago niya ito kinuha. Nakaramdam ng inis si Maria dahil sa magaspang na ugali na ipinapakita ni Kylie sa kaniya. Kinuha niya ang purselas na ngayon ay nakapatong na sa pares ng kwintas at hikaw, ibinalik niya ito sa dati ni