Hindi makapaniwala si Maria na nangyari na ang matagal na niyang pinapangarap. Ngayon ay lumalakad siya sa altar habang tumutugtog ang magandang awitin. Suot niya ang puting gown na gawa ng isang sikat na fashion designer na naka-base sa Italy. Hindi biro ang halaga ng gown na iyon. Ang mismong ina niyang Lucille ang nagpagawa niyon para sa kaniya. Tube gown ito na napapaligiran ng mga libo-libong beads at swarovski crystal na pinagtulong-tulungan na mano-manong ikabit ng ilang katao. Tumagal ng halos isang buwan ang paggawa ng kaniyang damit pangkasal Lahat ng saksi sa nagaganap na seremonyas sa loob ng simbahan ay nagsasabi na si Maria na ang pinakamagandang bride na nakita nila sa buong buhay nila. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Brix habang papalapit nang papalapit sa kaniya an