Kinabuksan, nang gabi matapos ang kanilang kasal ay tumulak ang mag asawang Brix at Maria sa kanilang honeymoon destination, ang Santorini sa bansang Greece. Ito ang napili nilang lugar dahil alam nilang mag e-enjoy sila sa buong bakasyon nila roon. Pangarap ni Maria na makapunta sa lugar na iyon na para sa kaniya ay isang paraiso. Dahil connecting flight sila ay halos umabot ng 19 hours ang naging biyahe nila. Malayo ngunit worth it naman ang kanilang pupuntahan. Paglabas sa airport ay nagpahatid sila sa taxi patungong hotel kung saan sila naka-book. Gabi na ngunit nagliliwanag pa rin sa buong paligid dahil sa mga nagkikislapang mga ilaw. Maraming mga turista ang naroon at nagbabakasyon. Ang hotel na nakuha nila ay isa sa pinakamagandang hotel sa lugar na iyon. May magagandang swimming p