Nalalapit na ang engrandeng kasalan nila Maria at Brix. Isang linggo bago sumapit ang nasabing okasyon ay inimbitahan si Maria ng pamilya Vander para sa isang hapunan. Kahit naman alam niyang gustong-gusto siya ng pamilya ng kaniyang asawa ay hindi pa rin niya maiwasan na hindi makaramdam ng kaba na harapin ang mga ito. Alas singko 'y medya ng hapon ng sunduin siya ni Brix sa kanilang bahay. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa kanila patungo sa ancestral house nito. Pagdating nila mansyon ng mga Vander ay sinalubong agad sila ni Nicole. Dahil bakasyon sa eskwela ay madalas itong pumasyal sa kaniyang mga lolo at lola kasama ang kaniyang mga pinsan na anak naman ng mga kapatid ni Brix na sina Iñigo at Clark. Naroon na ang dalawa ng dumating sila kasama ang kani-kanilang asawa. Ito ang